Ashley Ortega, aminadong loveless!

Ashley Ortega, aminadong loveless!

March 5, 2023 @ 4:26 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Seryosong ipinahayag ni Ashley Ortega sa presscon ng Hearts On Ice, kung saan lead cast sila ni Xian Lim, na siya’y loveless ngayon. Ibig sabihin, tapos na ang relasyon nila ng Lucena City Mayor Mark Alcala.

Ayon kay Ashley, isang taon at kalahati ang itinagal ng relasyon ng dalawa na natapos nu’ng December 2022.

Ani Ashley: “Mutual decision naming dalawa na kami’y mag-break. Busy ako sa Manila bilang artista ng Kapuso Network. Si Mark naman ay busy bilang mayor ng Lucena City.

“Aminado ako na iniyakan ko ang split-up namin. Career move ang ginawa ko dahil busy na ako sa Hearts On Ice. Biggest break ko ang teleseryeng ito ng GMA na isang sport serye.

“Nang naghiwalay kami, kasagsagan ng rehearsal ng routine ng gagawin kong Hearts On Ice. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Inisip ko na career muna ang pagtuunan ko nang husto.”

Malaking challenge kay Ashley ang serye, kahit pa sabihing tailor made ang soap opera para sa kanya.

Sa edad na 3 years old, hilig na ni Ashley ang sports na figure skating. Sa edad na 6 years old, siya’y lumaban sa international competition. Nag-uwi siya ng medalya, including gold, sa competition mula sa Thailand. Hanggang sa lumaban siya sa Japan, Beijing, China, Indonesia, Vietnam at Malaysia.

Ayon kay Ashley, all in all ay may 80 medals ang nauwi niya bilang karangalan ng Pilipinas.

Sa Hearts On Ice, makikita ang real Ashley bilang multi-awarded figure skater.

Ang sport serye ay idinirek ni Dominic Zapata, ang director din ng successful sport serye na Bolera last year.

Mapapanood ang Hearts On Ice sa March 13, 2023, sa Evening Telebabad ng GMA 7. Noel Asinas