Ashley Ortega, bet balikan ang first love!

Ashley Ortega, bet balikan ang first love!

October 11, 2022 @ 5:44 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Alam ng mga close friends ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na ang kanyang first love talaga ay figure skating. Kaya naman hindi nakapagtataka kung si Ashley na mismo ang nagsabi na kapag nagkaroon ng oras ay bet niyang balikan ang nasabing sport.

FYI, five years old pa lang si Ashley ay hilig na niya ang sport na figure skating. Nakasali siya sa mga international competition at the age of 6 gaya ng sa Bangkok, Thailand. Nasundan pa ito sa 4 pang bansa: Japan, China, Malaysia at Indonesia.

Hindi lang isa, kundi 5 hanggang 10 medalya ang nauuwi ni Ashley para sa bansang Pilipinas.

Tumigil lang ang hard training si Ashley nang siya’y 13 years old na at na-discover ni Atty. Bebong Munoz para gawing contract star ng GMA Artist Center. Second lead agad noon si Ashley sa isang morning soap with Bea Binene.

Fast forward, matatapos na ang Hearts On Ice na teleserye sa GMA Evening Primetime, kung saan bida si Ashley sa character ng isang figure skater. Leading man ni Ashley dito ang Kapuso actor na si Xian Lim. Noel Asinas