Ashley Ortega, na-excite sa dalawang lalake!

Ashley Ortega, na-excite sa dalawang lalake!

July 19, 2022 @ 9:03 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Biggest break sa Sparkle artist na si Ashley Ortega ang soap na Frozen Love. Ang main leading man niya’y ang new Kapuso actor na si Xian Lim. Samantala, may another leading man pang papasok sa story, ang bagets Sparkle actor na si Kim Perez.

Ani Ashley: ”Feeling ko lang, dahil hindi ko pa alam ang buong story ng soap, love triangle ang mangyayari. Happy ako dahil dalawa ang magkakaroon ng attention sa akin.”

Sa kuwento ni Ashley sa Frozen Love, mai-involve siya sa sport na figure skating dahil ang ama niya’y machine operator na naglilinis ng ice skating rink. Sumasama siya sa work ng ama niya at dito ay nagka-interes siya sa ice skating. Noel Asinas