Asi balik sa PBA

Asi balik sa PBA

September 20, 2022 @ 1:13 PM 5 days ago


MANILA, Philippines — Lumawig pa ang playering career ni Asi Taulava, ang pinakamatandang aktibong manlalaro sa PBA, matapos siyang iangat ng NLEX sa kanyang pagiging aktibo bago ang Commissioner’s Cup.

Ito ang magiging ika-23 season sa liga para kay Taulava, 49, na nakakita ng aksyon para sa Road Warriors sa isang laro lamang noong nakaraang taon.

Sinabi ni NLEX interim coach Adonis Tierra na ibinalik nila ang 2003 MVP kasama sina JR Quiñahan, Anthony Semerad at Philip Paniamogan na na-sideline dahil sa mga pinsala, at sina Matt Nieto at Paul Varilla ay isinailalim sa health protocols.

“Maganda ini-ensayo niya,”  ayon sa Tierra kay Taulava.

Sisimulan na ng Road Warriors ang kanilang kampanyang ng wala ang kanilang dating head coach na si Yeng Guiao dahil lumipat sa Rain or Shine.

Si Tierra ang mamahala sa koponan habang walang pang napipiling permanenteng kapalit ni Guiao.

Sa sandaling si Taulava ay sumabak sa aksyon, itatabla niya ang record ni Robert Jaworski para sa pinakamahabang panunungkulan sa PBA sa 23 seasons (1975 hanggang 1997). Si Jaworski ay 50 nang magretiro sa PBA.RICO NAVARRO