Asia Clean Energy Forum 2022 ng ADB kinondena ng CSOs: ‘No to false solutions!

Asia Clean Energy Forum 2022 ng ADB kinondena ng CSOs: ‘No to false solutions!

June 17, 2022 @ 4:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Civil Society Groups mula sa iba’t ibang bansa sa Asia ang ginaganap na Asia Clean Energy Forum 2022 ng Asian Development Bank mula Hunyo 14-17.

Sa isang online press conference na pinangunahan ng NGO Forum on ADB na ginanap nitong Huwebes, Abril 16, ipinanawagan nila sa ADB ang tunay na solusyon kontra Climate Change, at itigil na ang pagpondo sa mga proyektong may negatibong epekto sa kapaligiran.

“We recognize this year at ACEF, though the ADB has made an effort to focus on support for ‘green’ energy technologies, it has been dominated by private sector proponents and by discussions about technologies that are neither ‘clean’ nor economically, socially or environmentally sound,” ani Tanya Lee Roberts-Davis, Energy Campaigns and Policy Strategist ng NGO Forum on ADB.

Isa rin sa pinalagan ng CSO groups ang magiging epekto ng itinutulak ng ADB na Energy Transition Mechanism sa iba’t ibang mga bansa. Ang ETM ay isang mekanismo na ‘di umanoy magpapabilis sa pagreretiro ng mga coal-fired powerplant.

“We are concerned the highly touted Energy Transition Mechanism risks creating a situation whereby the public may be forced to accept a heavy toll on their health, the environment and climate, while coal companies will have the greenlight to continue to turn a profit over the course of several years during which the ADB and other donors sponsor the project’s retirement,” dagdag pa ni Roberts-Davis.

Sinita naman ng Global Alliance for Incinerator Alternatives-Asia Pacific ang pagtutulak ng ADB sa waste-to-energy incineration at pagpipilit na isa itong renewable energy source at isang low-carbon solution.

“ACEF 2022 is not getting better as it adds more false solutions to the list. For years, ADB has insisted that waste-to-energy incineration is a renewable energy source and a low-carbon solution. However, the world knows that plastic is on track to become a bigger climate problem than coal. Burning municipal solid waste — especially when it contains plastics — is dirtier than coal-fired power plant in every aspects.,” giit ni Yobel Putra ng GAIA.

Sa isa namang ulat sa Pilipinas at Southeast Asia na nakapaloob sa Financing a Fossil Future report mula sa Manila based think-tank Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) napag-alaman dito na ang ADB umano ay isang ‘notable public financiers’ ng fossil gas industry sa rehiyon mula nang matintahan ang Paris Agreement noong 2015.

“It took 12 years for ADB to recognize that financing coal goes against the development it claims it wants to achieve for the Asia-Pacific region. By keeping the door open for fossil gas, however, ADB is sustaining its dirty energy legacy, merely switching from one fuel to another in dooming the region to climate catastrophe,” ani Avril de Torres, Deputy Executive Director ng CEED.

Samantala, sa huling araw ng ACEF, sumugod ang consumer, climate and sustainability, at  CSOs sa pangunguna ng Power for People Coalition (P4P), NGO Forum on ADB, at GAIA sa tanggapan ng ADB, Biyernes ng umaga at nagsagawa ng isang lightning protest.

 

Ipinanawagan pa rin ng grupo sa ADB na magsagawa ng tunay na solusyon kontra Climate Change. (Santi Celario)