ASIAN PARA Games: 3 ginto pa para sa Pinas

ASIAN PARA Games: 3 ginto pa para sa Pinas

October 10, 2018 @ 6:52 PM 4 years ago


 

Indonesia – Patuloy pa sa pagsungkit ng ginto ang mga pambato ng Pinas sa ginaganap na 3rd Asian Para Games sa Indonesia.

Tatlong gintong medalya ang napagwagian ng Philippine chess team Miyerkules para umangat sa lima ang kabuuang gintong medalya ng Pilipinas dito.

Ayon kay head coach James Infiesto, ang tatlong ginto sa chess ay galing sa men’s team standard (P1 category), men’s team standard (B2-B3) at individual standard (P1).

Nakuha ni Sander Severino ang dalawa sa gintong medalya sa pagkapanalo bilang indibidwal at para sa grupo niya sa P1 sa sa GOR Cempaka Putih sa Jakarta, kasama ang mga kagrupong sina Henry Lopez at Jasper Rom.

Nakakuha naman ng bronze si Jasper Rom para sa individual P1 event.

Ginto rin ang iuuwi ng team nina Redor Menandro, Arman Subaste, at Israel Peligro para sa blind chess team (B1-B2).

Wagi rin para sa silver medal si Redor B2/B3 Individual standard event habang nakakuha ng bronze medal ang sinungkit ni Arman Subaste.

Nanalo rin ng pilak ang swimmer na si Ernie Gawilan men’s 100m freestyle S7 para idagdag sa naunang napagwagian niyang ginto sa men’s 200m individual medley (SM7) at pilak sa 50m freestyle noong Linggo. (Remate News Team)