Asia’s Songbird may panawagan sa susunod na eleksyon

Asia’s Songbird may panawagan sa susunod na eleksyon

July 12, 2020 @ 1:47 PM 4 weeks ago

  • 83
  •  
  •  
    83
    Shares

Manila, Philippines – Marami ang nagulat sa matapang na post ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez tungkol sa 2022 elections.

Dismayado kasi ang singer-actress sa kasalukuyang nararanasan ng bansa sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya at maging sa paraan kung paano iniha-handle nito ang kaso ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, sa susunod na eleksyon dapat maging matalino raw sa pagboto ang lahat ng netizens.

Nakasalalay daw ang kapalaran ng bansa sa mga ito kaya dapat hindi nila sayangin ang kanilang boto sa mga karapat-dapat na maluklok sa pwesto.

“Sa susunod pong eleksyon nasa atin ang KAPANGYARIHAN ihalal ang mga nararapat na taong TOTOONG malilingkod sa taong bayan. #wehavethepower #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever,” aniya.

Samantala, ang kanya namang mister na singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay umapela sa Kongreso na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN na siyang home network nilang mag-asawa sa kasalukuyan. Chikka Pa More|Archie Liao

Comment (1)

  • da boy

    sa INC pa lang di na iboboto ang pambato niyong dilawan..

    July 13, 2020 at 8:26 am

Comments are closed.


Loading...