‘Ask for Receipt’ notice ng BIR, papalitan na

‘Ask for Receipt’ notice ng BIR, papalitan na

October 3, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Simula sa susunod na taon ay papalitan na ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang “Ask for Receipt” notice sa bawat mga retail outlet at establisyimento sa bansa.

Ayon sa BIR, ang ipapalit umano nila ay ang “Notice to Issue Receipt/Invoice” (NIRI) notice na hindi lamang limitado sa mayroong mga physical store o establishments kundi maging sa mga nagbebenta online, vloggers, social media influencers at mga content operators.

Dagdag pa ni Revenue Commissioner Lilia Catris Guillermo, ang existing decals na may “Ask for Receipt” notice ay magagamit pa hanggang Hunyo 30, 2023.

Ibibigay ang bagong notice o NIRI sa mga store owners na maga-update ng kanilang registration information sheet.

“All registered business taxpayers requesting for the replacement of their old “Ask for Receipt” notice are required to update their registration information before release of NIRI,” ayon kay Guillermo patungkol sa Revenue Memorandum Circular 43-2023. RNT/JGC