Aso na hit and run na, kinatay pa

Aso na hit and run na, kinatay pa

April 22, 2022 @ 9:40 AM 2 months ago


PAVIA, Iloilo City- Nanlumo ang isang sundalo sa kalunos-lunos na nangyari sa kanyang alagang aso matapos ma-hit and run ay kinatay pa ito ng mga construction worker sa bayang ito.

Ayon kay 2nd Lieutenant Euvian Chloe Jualan, may-ari ng asong si “Mookey,” na mixed breed ng aspin at golden retriever, 13-taon na niya itong alaga at hindi hayop ang turing ng kanyang pamilya kundi minahal nila ito na kung ang ano pagmamahalan nilang pamilya.

Kamakailan, napansin ng pamilya Jaulan na wala sa loob ng kanilang bahay si Mookey kaya nagtungo sila sa Barangay Ungka Uno, ng nasabing bayan para ipa-blotter na nawawala ang kanilang alagang aso.

Pagdating sa barangay nalaman ni Jualan na hit and run ang kanyang aso at kinuha ito ng mga construction worker.

Natunton ni Jualan ang pinagtatambayan ng mga construction at laking panlulumo na nakita nila si Mookey na kinatay ng mga ito at wala na ang ulo.

Depensa naman ng mga construction worker ang kanilan foreman ang nanguna sa pagkatay kay Mookey.

Hustisya naman ang hiling ni Jualan sa nangyari sa kanyang aso.

Nakasaad sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998, na isa ang aso sa mga hayop na mahigpit na ipinagbabawal patayin, kainin at ibenta ang karne.

Ito ay maliban na lamang kung gagamitin sa ritwal ng religious group, tribu, pag-aaral para sa sensiya, pagkontrol sa populasyon, kung magbibigay ito ng panganib o maysakit ang hayop./Mary Anne Sapico