Aso pinag-initan ng holdaper

Aso pinag-initan ng holdaper

March 12, 2023 @ 9:05 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinoldap ng armadong lalaki ang drive-in hotel sa Echague, Isabela kung saan pati isang aso ay nadamay matapos barilin ng salarin.

Sa kuha ng CCTV, tinutukan ng holdaper ng baril ang kahera para hingin ang susi sa kaha. Matapos mabuksan ang pinaglalagyan ng kaha, nagtungo sa holdaper sa isang kuwarto malapit sa reception area pero nagulat siya na mayroon palang aso at dito na ito binaril.

Nakaligtas naman ang aso matapos na operahan.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng salarin, ayon sa ulat. RNT