Assassination ni Mayor Halili, posibleng inside job din

Assassination ni Mayor Halili, posibleng inside job din

July 6, 2018 @ 6:02 PM 5 years ago


Tanauan, Batangas – Tinitingnan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong inside job sa pamamaslang kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Napag-alaman kasi na hindi pala dumadalo ng flag raising ang alkalde kaya ayon kay Calabarzon police Director Chief Superintendent Edward Carranza, posibleng may nantibre sa suspek na dadalo noon ang alkalde sa flag raising.

Nauna rito, isa pang tinitingnang anggulo ang away sa lupa kung saan nakaaway ng alkalde ang isang dating high-ranking general bago ang insidente. (Remate News Team)