ASSISTANCE FUND PARA SA MGA PASYENTENG MAY KANSER

ASSISTANCE FUND PARA SA MGA PASYENTENG MAY KANSER

November 22, 2022 @ 11:02 AM 1 week ago


Alinsunod sa Republic Act No. 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act at sa implementing rules and regulations nito, maglalaan ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Health ng pondong magagamit para sa pagtulong sa mga may kanser sa bansa.

May nakalaang CAF na umaabot sa Php 529.2M na maaaring magamit hanggang December 31, 2023 o hanggang sa katapusan ng susunod na taon. 

Para ito sa mga pasyenteng may kanser at iyong ‚Äúcancer survivors‚ÄĚ, saklaw ang diagnostic, therapy, medicines at treatment na hindi saklaw ng PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation at ng mga Malasakit Center sa mga pampublikong ospital.

Prioridad na matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng may ‚Äď breast cancer, childhood cancers, gynecologic cancers, liver cancer kasama ang colorectal at iba pang digestive tract cancers, adult blood cancers, head and neck cancers kasama ang thyroid, lung cancer, at ang prostate, renal and urinary bladder cancers.

Para sa mga hihingi ng tulong buhat sa CAF, narito ang mga kinakailangang dokumento ‚Äď prescripton ng attending physician, treatment protocols, at pirmadong medical abstract. Dadaan ito sa ebalwasyon ng mga piniling ospital ng DOH, sa mga nasa Metro Manila ay ang ‚Äď

  • Philippine General Hospital;

  • Amang Rodriguez Memorial Medical Center;

  • East Avenue Medical Center;

  • Jose M. Reyes Memorial Medical Center;

  • National Children‚Äôs Hospital;

  • National Kidney and Transplant Institute;

  • Philippine Children‚Äôs Medical Center;

  • Rizal Medical Center; ¬≠at

  • Asian Hospital and Medical Center

Sa Luzon area ay ang ‚Äď

·        Baguio General Hospital and Medical Center;

·        Region 1 Medical Center sa Dagupan city, Pangasinan;

·        Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando, La Union;

·        Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac, Ilocos Norte;

·        Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao city, Cagaayan;

·        Jose B. Lingad Memorial Regional Center sa San Fernando city, Pampanga;

·        Bataan General Hospital and Medical Center sa City of Balanga, Bataan;

·        Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan city, Nueva Ecija;

·        Batangas Medical Center sa Batangas city;

·        Bicol Regional Teaching and Training Hospital sa Legaspi city, Albay; at sa

·        Bicol Medical Center sa Naga city, Camarines Sur

Sa Visayas area naman ay sa mga sumusunod ‚Äď

  • Western Visayas Medical Center sa Iloilo city, Iloilo;

  • Corazon Locsin Montelibano Memorial Hospital sa Bacolod city, Negros Occidental;

  • Western Visayas Center for Health Development sa Iloilo City;

  • Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu city, Cebu; at sa

  • Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban city, Leyte

Sa Mindanao region naman ay sa 

  • Zamboanga city Medical Center sa Zamboanga de Sur;

  • Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro City;

  • Davao Regional Medical Center sa Tagum city, Davao del Norte;

  • Southern Philippines Medical Center sa Davao City;

  • Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato sa Cotabato city, Maguindanao;¬†at ang¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†

  • Cotabato Sanitarium sa Sultan Kudarat, Maguindanao

Magtungo lamang sa mga binanggit kong mga ospital para sa availment ng CAF.

Batay sa datus, 186 sa bawat 100,000 na mga Pilipino ang tinatamaan ng cancer, at sa bilang na ito, apat ang namamatay bawat oras o kabuuang 96 sa bawat araw.

Nasa 40% naman ang survival rate ng isang cancer patient sa bansa basta nasusunod ang treatment protocol, may disiplina ang pasyente, at malakas ang suporta ng pamilya at mga kaibigan.