Assistant leader ng Zapata gang ng Lucena, nalambat sa Bulacan

Assistant leader ng Zapata gang ng Lucena, nalambat sa Bulacan

January 25, 2023 @ 7:43 PM 6 days ago


Bulacan – Arestado ang wanted na umano’y assistant leader ng Criminal group at kabilang sa PDEA Top 10 Target List sa operasyon ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang wanted na si Jhon Edward Zapata, 22 ng Brgy. Tarcan, Baliwag.

Sa report, naaresto ang wanted ng Pulilan police kasama ang RIU3 nitong Enero 24, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Robbery in an Uninhabited Place or in a Private Building (RPC ART. 302) na inisyu ng Municipal Trial Court, Branch 1, Lucena City, Quezon.

Sinasabing si Zapata na assistant leader ng Zapata Criminal Group ay sangkot sa robbery at pagpapakalat ng iligal na droga sa naturang lugar. Dick Mirasol III