‘Assistive devices’ para sa PWDs, ipinamahagi ng DOH

‘Assistive devices’ para sa PWDs, ipinamahagi ng DOH

July 26, 2018 @ 2:34 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng selebrasyon ng National Disability and Rehabilitation Week ng Department of Health (DOH) namahagi ng “assistive devices” ang kagarawan sa mga may kapansanan sa isinagawang 2018 Persons with Disability Health Summit.

Ayon kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo C. Janairo, ang mga ipinamahaging 42 assistive devices at gadgets ay mga wheelchairs, crutches, cane, folding walker at hearing aid.

Nagsagawa rin ng medical consultation sa halos 100 participants at may medical kit ding ipinagkaloob sa bawat isa.

Ang nasabing selebrasyon ay may temang “Kaalaman at Kasanayan Para sa Kabuhayan Tungo sa Kaunlaran.”

Ayon kay Janairo, kadalasan na hindi nabibigyang pansin ang mga PWDs kaya naman nais nilang magbigay ng suporta at benepisyo sa kanila.

Karamihan aniya sa mga PWDs ay may iba’t-ibang kakayahan na gumawa ng isang aktibidad tulad ng isang normal na tao.

Ayon pa kay Janairo, ang Calabarzon ang may pinamalaking bilang ng PWDs  na may 193,000 na nasundan  ng National Capital Region, 167,000; Central Luzon, 139,000; Western Visayas, 138,000;  Central Visayas, 109,000  at may pinakamababang  bilang naman ang Cordillera  na may 26,000.

Karamihan din sa mga PWDs ay mga lalaki na may 50.9 porsyento habang 49.1 porsyento naman sa babae.

Kaya naman nais aniyang mabigyan ng tamang batas ang mga PWDs kung saan magkakaroon ng kasunduan at magiging katuwang ng DOH ang ilang mga ahensya ng gobyerno lalo na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“We will aim to register all PWDs in the region with the support of the Local Government Units. They also have equal rights as normal people do and should enjoy whatever benefits we reap. We need to provide them the motivation and encouragement to become successful and productive members of our society” ayon pa kay Janairo.

Dagdag pa ni Janairo na dapat magkaroon ng maayos na serbisyo na maaring maibigay sa PWDs katulad ng puwede nilang malapitan sa oras ng kanilang pangangailangan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)