Associate Justice Martires, inendorso ng Korte Suprema sa pagka-Ombudsman

Associate Justice Martires, inendorso ng Korte Suprema sa pagka-Ombudsman

July 17, 2018 @ 8:05 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inendorso ng Korte Suprema si Associate Justice Samuel Martires para maging susunod na Ombudsman.

Sa boto ng labing-isang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, inendorso ng mga ito si Martires sa Judicial Bar Council (JBC) para sa shortlist sa posisyong babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa July 26.

Labing-dalawang mahistrado lang ang present sa botohan kabilang si Martires na hindi lumahok habang wala naman sina Associate Justices Perlas Bernabe at Benjamin Caguioa na pawang naka-leave.

Sa July 20, nakatakda ang botohan ng JBC sa shortlist ng pagka-Ombudsman na ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung ma-appoint si Martires bilang Ombudsman ay kailangan niyang mag-optional retirement sa Kataas-taasang Hukuman.

Si Martires ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema. (Remate News Team)