AstraZeneca COVID-19 antibody drug aprub na sa US FDA

AstraZeneca COVID-19 antibody drug aprub na sa US FDA

December 9, 2021 @ 10:48 AM 10 months ago


AMERIKA – Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration ang paggamit sa antibody cocktail ng AstraZeneca laban sa COVID-19 infections.

Ang antibody cocktail, na tiwanag na Evusheld ay maaaring gamitin sa US para sa mga indibidwal na may mahinang immune systems o dati nang nakaranas ng severe side effects ng coronavirus vaccines.

Gagamitin lang din ang Evusheld sa mga nasa hustong gulang na walang kasalukuyang COVID-19 infection, at hindi rin na-expose sa isang indibidwal na may virus, ayon pa sa regulator.

Nito lang Nobyembre nang magawa ang kasunduan sa pagitan ng AstraZeneca at US government kung saan magpapadala ang AstraZeneca ng 700,000 doses ng Evusheld.

Ang nasabing antibody drug ay napatunayang nakapagbababa ng panganib na mabuo ang COVID-19 symptoms ng 77% base sa resulta ng late-stage trial.

Habang ang bakuna ay bumabase sa immune system ng tao para makagawa ng targeted na antibodies at infection-fighting cells, ang Evusheld ay naglalaman ng lab-made antibodies na dinisenyo para tumagal sa katawan ng ilang buwan.

Ang Evusheld ay mas nakapagbibigay ng depensa sa mga indibidwal na immune compromised o may mga history ng severe adverse reactions sa bakuna, ani  Patrizia Cavazzoni, director ng F Center for Drug Evaluation and Research ng FDA.

Sa kabilang banda, iginiit naman ng FDA na ang Evusheld ay hindi kapalit ng pagbabakuna. RNT