AstraZeneca dose gamitin na bago ma-expire – NVOC sa LGUs

AstraZeneca dose gamitin na bago ma-expire – NVOC sa LGUs

July 12, 2021 @ 10:16 AM 1 year ago


Manila, Philippines — Iginiit ng National Vaccination Operations Center (NVOC) sa lokal na pamahalaan na iturok na ang natitirang 6,000 AstraZeneca dose dahil malapit na itong ma-expire sa katapusan ng Hulyo.

 “It’s also possible that [the local governments] have just not yet reported [to the NVOC] if these were already injected. But we will advise them to jab these as first dose already and just get their second doses from the incoming [supplies],” saad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, head ng NVOC sa Viber message.

 “There is no issue on vaccines that have a shorter shelf life because we can administer them immediately. We have no problem with that,” panig naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., vaccine manager at National Task Force Against COVID-19 chief implementer.

Kadalasang tumatagal lamang ang buhay ng AstraZeneca dose ng isa o hanggang dalawang buwan.

Sinabing sinimulan na rin ng NVOC ang pamamahagi sa local health centers ng 1.1 milyong AstraZeneca dose na dumating noong Huwebes at dalawang milyong AstraZeneca dose mula COVAX na dumating noong Biyernes.

Tuluyan na itong ma-e-expired sa Agosto 31; September 30; at October 31. RNT/FGDC