AstraZeneca jab nagdudulot ng mas mataas na panganib ng ‘very rare clot’ – pag-aaral

AstraZeneca jab nagdudulot ng mas mataas na panganib ng ‘very rare clot’ – pag-aaral

October 27, 2022 @ 2:44 PM 1 month ago


PARIS, France- Iniuugnay ang AstraZeneca COVID vaccine sa 30 porsyentong mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng “very rare blood clotting” condition kumpara sa Pfizer jab, ayon sa international study nitong Huwebes.

Ilang bansa na ang pinalitan ang kanilang abiso matapos lumabas mula sa naunang pag -aarla na– sa maliit na bilang ng mga kaso– ang thrombosis with thrombocytopenia syndrome (TTS) ay posibleng maging side effect ng COVID vaccines na gumagamit ng adenovirus vector, o “engineered” virus, gaya ng mula sa AstraZeneca at Johnson & Johnson.

Nagpo-prodyus ang Thrombocytopenia ng potensyal na life-threatening blood clots na may mababang lebel ng blood platelets– maliliit na cell fragments sa dugo na pumipigil sa pagdurugo.

Sa bagong pag-aaral na inilathala sa journal na BMJ, unang ikinumpara anf thrombocytopenia rates sa pagitan ng adenovirus at mRNA vaccines– gaya ng Pfizer– sa iba’t ibang bansa.

Sinuri ng international research team ang health data mula sa mahigit 10 milyong adults sa France, Germany, Netherlands, Spain, United Kingdom at sa United States na naturukan ng vaccine dose sa pagitan ng Disyembre 2020 at mid-2021.

Sa Germany at sa UK, nagtugma ang datos ng 1.3 milyong indibidwal na naturukan ng first dose ng AstraZeneca sa 2.1 milyong nabakunahan ng  Pfizer.

May kabuuan itong 862 “thrombocytopenia events” na naitala 28 araw matapos ang first dose ng AstraZeneca, kumpara sa 520 ng Pfizer, batay sa pag-aaral.

Nangangahulugan ito na ang bakuna ng AstraZeneca ay may 30-percent higher risk ng thrombocytopenia kumpara sa Pfizer.

Subalit sa kaso ng second dose, walang naitalang panganib sa pagitan ng dalawang bakuna.

Bagama’t natukoy na “rare”, ang mga panganib “should be considered when planning further immunization campaigns and future vaccine development,” base sa pag-aaral. RNT/SA