AstraZeneca, mRNA vaxx nagbibigay ng parehong proteksyon vs seryosong epekto ng COVID-19

AstraZeneca, mRNA vaxx nagbibigay ng parehong proteksyon vs seryosong epekto ng COVID-19

April 27, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kapwa nakapagbibigay ng parehong proteksyon laban sa severe at kritical na sintomas ng COVID-19 ang viral vector vaccine na AstraZeneca at mRNA vaccines gaya ng Pfizer at Moderna.

Ito ang inihayag ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, kasama ang iba pang health expert sa isinagawang virtual roundtable discussion na pinangunahan ng Philippine College of Physicians.

Ipinakita ni Solante, na isa ring miyembro ng Vaccine Expert Panel, ang datos kung saan ang dalawang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ay nagbibigay ng proteksyon kung saan 91.3% hanggang 92.5% ang tiyansang makawaisa sa pagkakaospital at 91.4% hanggang 93.23% na makaiwasa sa posibleng kamatayan.

Punto niya, walang “statistical difference” kung ikukumpara ang AstraZeneca sa mga mRNA vaccine.

Pareho din aniya itong nagbibigay ng mataas na proteksyon maging sa mga vulnerable sectgor gaya ng mga senior citizens.

“It’s reassuring that whether you are given this virus vector vaccine or mRNA vaccine, the protection is optimal and robust among this population which is related with higher rate of mortality,” dagdag ni Solante.

Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Sunate Chuenkitmongkol ng National Vaccine Institute in Thailand.

“The AstraZeneca viral vector vaccine, it provides equivalent protection against hospitalization and death which may be severe consequence of the COVID-19 when it is compared to the mRNA Pfizer vaccine. This we can reassure to our population that we have been well protected against the serious COVID-19 outcome with the most widely used vaccine,” aniya.

Sabi naman ni Dr. Bruce Mungall, Asia Area Medical Director ng Vaccines and Infectious Diseases at AstraZeneca, kahit gamiting booster dose, nakakatulong ang AstraZeneca para maibalik ang proteksyon ng tao laban sa mga seryosong epekto ng COVID-19 infection, gaya ng nagagawa ng mga mRNA vaccine boosters.

Nitong Lunes, Abril 25, nang simulan ang pagtuturok ng ikalawang booster shot sa National Capital Region kung saan prayoridad muna ang immunocompromised population alinsunod sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).

Kabilang sa mga vaccine brands na ginagamit sa second booster shots sa Pilipinas ay AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Sinopharm. RNT/ JCM