AstraZeneca napatunayang direktang nakalilikha ng blood clot, nakamamatay

AstraZeneca napatunayang direktang nakalilikha ng blood clot, nakamamatay

April 8, 2021 @ 9:10 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

EUROPEAN UNION – Napatunayan na ng European Medicines Agency na nakalilikha ng blood clot o pagbabara ng ugat sa utak at sikmura ang bakunang AstraZeneca.

Ibinatay ang pahayag sa pag-aaral sa 18 patay makaraang mabakunahan ng AstraZeneca na nagkaroon ng blood clot at pagbaba ng lebel ng platelet sa dugo ng mga ito.

Ang platelet ang gumagawa ng blood clot.

Nakapaloob ang mga namatay sa 62 na nagkaroon ng blood clot sa sinus at utak at 24 sa sikmura.

Dahil dito, agad na sinabi ng United Kingdom na huwag nang bakunahan ang mga may edad ng 30 pababa at ibang bakuna na lang ang gamitin sa mga ito.

Magkagayunman, hindi sinasabi ng EMA na itigil na ang paggamit ng AstraZeneca dahil higit umanong marami ang nakikinabang dito kaysa mga nadidisgrasya, ayon kay EMA Executive Director Emer Cooke.

Mayroon na umanong 25 milyong nababakunahan sa AstraZeneca sa Europa at UK at mangilan-ngilan lang ang nadidisgrasya.

Inilista na rin ng EMA bilang side effect ang blood clotting na dati ay hindi kasama at hiniling na ring isama ang blood clot sa label ng bakuna bilang side effect.

Sinabihan na rin ang mga nabakunahan na ng first shot na sumalang sa second shot ngunit dapat umanong paalalahanan sa blood clotting na maaari umanong maganap ilang araw matapos ang pagbabakuna para sa kaukulang aksyon.

Dapat na rin umanong sabihan ang mga nagpapabakuna ukol sa nasabing side effect, kasama ang mga nasa edad 31 pataas, upang makapagdesisyon ang mga ito na magpabakuna o hindi sa AstraZeneca.

Dahil dito, maaari rin umanong maapektuhan na mismo ang programang pamamahagi World Health Organization Covax Facility na inaasahan ng mga mahihirap na bansa, kabilang na ang Pilipinas. Fred Cabalbag


  •  
  •  
  •