AstraZeneca – Pfizer COVID vaccine mix may magandang resulta – FDA 

AstraZeneca – Pfizer COVID vaccine mix may magandang resulta – FDA 

July 9, 2021 @ 3:20 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng magandang resulta ang isinagawang pagsusuri sa paghahalo ng AstraZeneca at Pfizer COVID-19 vaccines, ayon sa Food and Drug Administration (FDA), Huwebes.

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Europa.

“May mga studies sa Europa pero ang mi-nix and match nila is the antiviral vaccine which is AstraZeneca and Pfizer, isang mRNA vaccine naman. Mukhang maganda ang resulta. It shows that nagiging higher talaga ‘yung reaction sa mix and match kesa sa if you get the same two doses for example of AstraZeneca,” ani FDA director Eric Domingo sa CNN Philippines.

Ayon kay Domingo na mas maganda ang naging resulta nang iturok ang AstraZeneca bilang nang dosage habang Pfizer naman sa ikalawa.

“Ang nakita, mas maganda kung first ‘yung AstraZeneca, second ‘yung Pfizer. Kung Pfizer ‘yung first tapos AstraZeneca ‘yung second, hindi kasing ganda ‘yung epekto. It matters kung anong bakuna at tsaka ‘yung pagkakasunod-sunod,” paliwanag pa ng FDA chief.

“If we’re going to make a mix and match program, we have to check each and every combination including the succession of doses,” aniya pa. RNT