AstraZeneca vax interval pinaikli; ‘di makaaapekto sa ‘no vax, no ride’

AstraZeneca vax interval pinaikli; ‘di makaaapekto sa ‘no vax, no ride’

January 29, 2022 @ 10:44 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinawi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pangamba ng mga naturukan ng AstraZeneca COVID vaccine kaugnay sa polisiyang “no vaccination, no ride” na umiiral sa Metro Manila.

Sa Philippine News Agency (PNA), sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ang ikalawang dose ng AstraZeneca ay maaari nang iturok apat na linggo pagkalipas ng unang dose.

“Per NVOC (National Vaccination Operations Center), (the) 2nd dose of AZ vaccines can now be as early as 28 days after the first dose. So, problem solved na ang concern ng AZ vaccines.” paliwanag ni Malaya.

Maaalalang simula Pebrero 26, mahigpit na ipatutupad ang ‘no vaccine, no ride’ policy kung saan tanging fully vaccinated na lamang ang papayagang makasakay sa pampublikong transportasyon.

Habang ipinunto rin na iiral lamang ang ‘no vax, no ride’ policy sa ilalim ng Alert Level 3. RNT/FGDC