Asynchronous classes sa Manila public schools idineklara ni Mayor Lacuna

Asynchronous classes sa Manila public schools idineklara ni Mayor Lacuna

March 4, 2023 @ 5:03 PM 3 weeks ago


BUNSOD ng magaganap na tigil pasada ng ilang grupo ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan sa susunod na linggo, idineklara ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Asynchronous classes sa mga pampublikong eskwelahan sa nasabing lungsod mula Lunes, Marso 6.

Batay sa abiso na inilabas ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila, simula Marso 6 hanggang Marso 11, 2023 (Sabado) ay magiging asynchronous classes ang lahat ng public schools sa lahat ng antas sa nasabing lungsod.

“Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares ASYNCHRONOUS classes in all PUBLIC schools in ALL levels in the City of Manila from Monday, March 6 to Saturday, March 11, 2023 due to the upcoming transport strike in NCR,” saad sa abiso.

Samantala, hinikayat naman ng pamahalaang lungsod ang lahat ng pribadong paaralan sa Maynila na pansamantalang ilipat sa online class ang kanilang mga klase sa nabanggit na panahon. JAY Reyes