Ate Guy, goodbye  na sa showbiz!

Ate Guy, goodbye  na sa showbiz!

July 22, 2022 @ 7:10 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Kahit  walang kumpirmasyon kay Nora Aunor ay sinasabi ng ilang grupo ng Noranians  na may plano na raw ang Superstar at National Artist for Film na magretiro na sa showbiz.

Gusto na raw  ni Ate Guy na mamalagi na lang sa kanyang bayan sa Iriga, Camarines Sur  at magpahinga na rin sa paggawa ng pelikula.

May farm si Ate Guy sa nasabing bayan na kung hindi kami nagkakamali ay 64 hectare ang lawak. ‘Yun na lang daw ang bibigyang pansin at aasikasuhin nito

Lately kasi ay nagkakasakit na ang Superstar at mas maganda raw na mamalagi muna sa kanyang farm para sa sariwang hangin, walang stress at  problemang iisipin.

Masayang-masaya siya nang magdiwang ng kaarawan last May, kasama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko.

Ang pinaka-magandang birthday gift pa ng Superstar ay nang dalawin at bantayan siya ni Lotlot habang nasa ospital.

Nakamit na rin niya ang matagal nang minimithing National Artist for Film award na ipinagkaloob sa kanya bago matapos ang term ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang pangulo ng bansa

Wala nang mahihiling pa ang Superstar. Sa limang dekada niya sa showbiz ay nakagawa at nakapagambag na siya ng makabuluhang pelikula sa movie industry.

Ngayon ay kailangan daw bigyan pansin at priority ng superstar ang kanyang sarili.

Ang pakiusap lang ng mga loyal Noranians  ay ‘wag tuluyan magretiro sa showbiz si Ate Guy.

Sana ay gumawa siya ng pelikula kahit isa o dalawa sa isang taon.

Sa kasalukuyan ay may pelikula pa si Ate Guy na hindi pa  nailalabas, ang Kontrabida. Gerry Ocampo