Ate Vi, dedma sa pang-o-okray kay Baby Peanut!

Ate Vi, dedma sa pang-o-okray kay Baby Peanut!

January 16, 2023 @ 12:45 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Kundi ba naman mga walang puso ang ibang netizens, pati ang walang kamuwang-muwang na baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay hindi nila pinatawad!

Of all na puwede nilang i-bash, si Baby Peanut na hindi kayang ipagtanggol ang sarili?

Umani kasi ng iba’t ibang reaksyon ang ipinost na picture ni Luis sa social media.

Makikitang karga-karga niya si Isabelle Rose, pero may rose emoji na nakatakip sa mukha nito.

Isang netizen ang nagtanong kung bakit tinakpan ang mukha ng baby.

“Pisot” daw ba ito?

Sa salitang Bisaya, ang salitang pisot ay isang defamatory word to describe ang ‘di kaaya- ayang itsura ng tao.

It can also mean uncircumsized o supot in gutter language.

Dagdag pa ng basher, ang arte naman daw ng mag-asawa at pa-suspense pa.

Like any parent proud of his child ay hindi ‘yon pinalampas ni Luis.

But knowing Luis, sarcastic ang buwelta niya sa maangas na basher.

Resbak ng TV host-actor: “Kung kayo nga, pinagsama na ang pisngi, baba at leeg, pinakikialaman ba namin kayo?”

Hayun at kinuyog lang naman ang basher.

Bale two weeks old na si Baby Peanut who was born December 28.

Ikinagalak ng momsie na si Vilma Santos na malamang bine-breastfeed ni Jessy ang kanyang anak.

Wala namang bwelta si momsie Vi sa basher na nagsabing ‘pisot’ si Baby Peanut. Ronnie Carrasco III