Ate Vi, excited sa comeback movie!

Ate Vi, excited sa comeback movie!

September 9, 2022 @ 7:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Confirmed: nasa planning table na ang comeback movie ni Vilma Santos!

Nitong September 7, Miyerkoles ay nagpost ang Star for All Seasons sa kanyang Facebook page ng tungkol sa lunch meeting niya with direk Erik Matti and Dondon Monteverde.

Nilakipan ito ni Ate Vi ng caption na: “Exciting!”

The multi-awarded actress was clad in yellow shorts, mukhang galing sa kanyang daily exercise.

With Dondon at the lunch meeting, tiyak na Regal Entertainment ang producer ng comeback vehicle ng aktres.

Walang specific details na ibinigay si Ate Vi regarding the project.

Pero mukhang mapapadalas na ang pagiging active niya now that she’s no longer in politics.

Naiulat nang pinag-aaralan ni Ate Vi ang mga proyektong ipinitch sa kanya.

Maging ang comeback vehicle niya on TV ay pinag-aaralan din niya.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang pagkakataong makakatrabaho ni Ate Vi ang equally award-winning director.

Excited ang mga Vilmanians na malaman kung anong genre ng pelikula ang gagawin ng kanilang idolo under direk Erik’s creative wings.

Abangan! Ronnie Carrasco III