Ate Vi, may paalala kina Luis at Jessy!

Ate Vi, may paalala kina Luis at Jessy!

September 18, 2022 @ 10:42 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa latest vlog ni Vilma Santos kung saan guest niya ang anak na si Luis Manzano at asawa nitong si Jessy Mendiola ay nagbigay siya ng payo sa dalawa ngayong malapit na ang mga ito na maging magulang.

Sabi ni Vilma, “Ako kasi, as Momsy V, I’m so excited and continuously praying for Peanut (palayaw ng magiging anak nina Luis at Jessy) to be okay. And siyempre, para naman sa inyo, to my son, I’m happy too, because he’s happy.

“For you Daddy, for you Mommy, it’s going to be the next chapter of your lives. I am not saying it’s going to be very, very smooth,” paalala ni Ate Vi.

Patuloy pa niya, “Pero still, the most important thing is, lagi kayong mag-iisip nang pareho, as one. Kasi, wala na kayong choice, eh. Mag-partner kayo.

“Marami kayong pagdadaanang challenges. May mga time na mag-aaway kayo, sa totoo lang. May time na pag-aawayan niyo rin si Peanut, sa totoo lang.

“But ang pinakaimportante, the love and respect are there. Uulitin ko, the most important unit in our society is family. Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement, lahat ‘yan manggagaling ‘yan sa pamilya,” ang paalala pa niya sa mag-asawa. Rommel Placente