Ate Vi, na-Covid!

November 2, 2022 @ 8:00 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi rin nakaligtas si Vilma Santos sa Covid.

Ito ang isinawalat niya madaling araw ng mismong kaarawan niya, November 2.

Aniya, “Sa mga nagtataka kung bakit hindi ko nasasagot ang mga text n’yo, I’ll be honest…Covid got me.”

Mukhang maayos na ang kalagayan ng Star for All Seasons pero nagpapagaling pa raw siya nang lubusan.

“Mag-iingat po tayo because Covid is real. Kahit anong ingat ko, Covid still got me,” dagdag niya.

Binanggit ni Ate Vi ang mga naranasan niyang sintomas tulad ng asthma, fluctuating blood pressure at headache.

Sa mensahe niyang ‘yon pinasalamatan niya ang kanyang mga doktor who took good care of her.

Pabiro pa niyang sabi, “Alam n’yo naman na 35 years old na ako (laughs).”

Kung susumahin, it’s been weeks na out of touch ang aktres.

“Maski sa mga vlog, wala ako. But I’m trying my very best to get well,” aniya.

Inaasahan ng mga fans na fully recovered na ang kanilang idol as she starts filming her Erik Matti-megged movie.

Magpagaling ka, Ate Vi at maligayang “35th” birthday!

Sabi mo, eh. Ronnie Carrasco III