Ate Vi, nagpaliwanag sa dumagsang duster at medyas!

Ate Vi, nagpaliwanag sa dumagsang duster at medyas!

November 7, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Vilma Santos na hindi siya nanghihingi ng regalong duster at medyas nu’ng nakaraang kaarawan niya.

Nabanggit lang niya ito when asked what she wanted to receive on her birthday last November 2.

Hindi nahiyang aminin ni Ate Vi sa recent interview sa kanya ni Noel Ferrer na dalawa lang daw kasi ang duster niya.

As for the socks, lamigin daw kasi siya.

Duster na malambot na presko sa katawan, medium size at medyo maluwag ang bet niya.

Nadala na raw kasi ang Star for All Seasons na isapubliko ang gusto niyang matanggap.

Kilalang mahilig sa panyo si Ate Vi. Ito ang props niya that she can’t do without.

Kaya naman hayun, inulan siya ng maraming panyo to the point na tama na raw.

This year, inulan naman siya ng duster at medyas!

Samantala, Ate Vi can’t wait to see Baby Peanut born into this world.

Wish niya na sana raw ay manahin ng kanyang apo ang kanyang kutis, ilong at binti.

Bet daw niyang bihisan at ayusan ang apo, dahil hindi niya ito nakasanayang gawin kina Luis at Ryan.

Dahil napapaligiran daw siya ng mga barako, with Baby Peanut ay may kakampi na raw siya.

Ilang kembot na lang, certified Lola Vilma na siya, este, Momsie pala! Ronnie Carrasco III