Ate Vi, namigay ng gulay sa mga nabiktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal!

Ate Vi, namigay ng gulay sa mga nabiktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal!

July 13, 2021 @ 8:06 PM 1 year ago


Manila, Philippines – All praises ang mga netizens kay Lipa Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto dahil sa ipinost niyang video sa Instagram.

 

Ang eksena: may dala siyang bayong habang inaani at namimitas ng mga sari-saring gulay sa kanilang farm sa Batangas.

 

Aniya, ang mga sariwang gulay daw na ‘yon ang ibibigay niyang ayuda sa mga residenteng kasalukuyang kinakanlong sa mga evacuation center sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

 

Maaari raw iluto ang mga okra, sitaw, kalabasa at iba pang gulay para may makain ang mga ito.

 

Paulit-ulit nang sinabi ng aktres-pulitiko na bukod sa vaccination sa kanyang nasasakupan ay prayoridad niya ang tiyaking ligtas ang mga pamilya malapit sa Taal.

 

Sa video, nagsasalita si Ate Vi kung gaano kasarap maging isang agriculturist. Marami raw siyang natututunan dito.

 

Bumuhos naman ng mga papuri ang comment section kabilang ng tatlong heart emojis mula sa kanyang daughter-in-law na si Jessy Mendiola.

 

May caption ding kasama ang video na “Walang katumbas ang saya sa pag-aani ng gulay.” Ronnie Carrasco III