Ateneo Blue Eagles wagi kontra La Salle Green Archers

Ateneo Blue Eagles wagi kontra La Salle Green Archers

October 7, 2018 @ 10:55 AM 4 years ago


 

UAAP – Umarangkada na naman ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang laban kontra La Salle Green Archers sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa iskor na 71-55.

Ikalima na  ito sa sunod-sunod na pagkapanalo ng Blue Eagles sa torneo.

Nagpakitang gilas ang Ateneo sa unang half pa lamang ng laro sa 28-21 lead.

Sumiklab naman ang Blue Eagles at nakapagtala ng 50-33 lead matapos ang third quarter.

Nanguna sa team ng Ateneo ang kanilang import na si Angelo Kouame na nakapagpamalas ng 20 puntos, 13 rebounds at 5 blocks.

Ayon sa Blue Eagles assistant coach, Sandy Arespacochaga, ang kaniyang koponan ay nag-pokus lamang daw kanilang depensa at kailangang gawin.

Pumangalawa sa standing ang Ateneo sa 5-1 win-loss record nito na pinangungunahan ng Adamson University na may 5-0 win-loss record.

Sunod naman na kakalabanin ng Ateneo Blue Eagles ang FEU Tamaraws sa October 10, habang ang Green Archers naman ay lalaban kontra Adamson University Soaring Falcons sa October 13. (Remate News Team / Elean Waje)

Photo courtesy: The Guidon