Ateneo College Entrance Test kanselado sa bagyo

Ateneo College Entrance Test kanselado sa bagyo

October 30, 2022 @ 10:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Ateneo de Manila University nitong Sabado ang postponement ng October 30 sessions ng Ateneo College Entrance Test (ACET) dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

 Sa abiso, inihayag ng unibersidad na itutuloy sa ibang petsa ang pagsusulit. 

“Please wait for Ateneo College admissions to email you further instructions, including the new schedule,” anito.

 Nauna nang itinulak ng unibersidad ang October 29 sessions, partikular na sa mga nasa campus na.

Subalit, muling bibigyan ng oportunidad ang mga hindi nakakuha ng pagsusulit sa Enero 2023. RNT/SA