Ateneo law school graduation gunman naghain ng not guilty plea sa mga kaso

Ateneo law school graduation gunman naghain ng not guilty plea sa mga kaso

November 12, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain ng not guilty plea si Dr. Chao Tiao Yumol, gunman na umatake sa Ateneo de Manila law school graduation rites noong Hulyo, sa kasong murder, frustrated murder, at carjacking charges na inihain laban sa kanya.

Inilahad ito ni Atty. Quirino Esguerra, legal counsel ng pamilya Furigay, sa phone interview nitong Biyernes.

Si dating Lamitan, Basilan mayor Rose Furigay na dumalo sa pagtatapos ng kanyang anak ang  ang lumalabas na target ng assailant.  Nadala pa si Furigay sa ospital subalit pumanaw din.

“He pleaded not guilty to three counts of murder, one frustrated murder, and carnapping,” ani Esguerra.

Naganap ang arraignment para sa mga kaso kay Yumol matapos ang ilang pagkaantala dahil sa hiling ng abogado ni Yumol na mental health check upang matukoy kung maaari siyang dumalo sa trial.

Paglalahad ni Esguerra, naganap ang arraignment sa pamamagitan ng video conferencing, dahil kasalukuyang nakaditine si Yumol. Pisikal na dumalo ang abogado ng suspek sa courtroom ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98.

Inihayag ni Esguerra na idineklara ng National Center for Mental Health (NCMH) si Yumol na fit para humarap sa trial.  Gayundin, inihayag niya na sinubukan ng defense panel na muling i-postpone ang arraignment subalit hindi pinayagan ng korte dahil lumabas na ang mental health results.

“Nag submit na no’ng October 24, 2022 ang National Center for Mental Health saying that he is fit to stand for trial.  Yung mental evaluation report niya is na-submit na po ng NCMH sinasabi,” ani Esguerra.

Naniniwala naman ang mga imbestigador na may motibo si Yumol had sa pagpatay sa mga Furigay, dahil may galit umano ito sa pamilya.  Galit ang 38-anyos na suspek— na doktor mula sa Lamitan City — kay Furigay sa pagahhain ng cyber libel complaints laban sa kanya.

Nagresulta ito sa pagkakasuspinde ni  Yumol sa kanyang propesyon.RNT/SA