Ateneo napahiya sa UP; reresbak sa Season 85 ng UAAP

Ateneo napahiya sa UP; reresbak sa Season 85 ng UAAP

May 14, 2022 @ 3:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Ateneo de Manila University na babawi sila sa UAAP season 85 ng men’s basketball nang talunin  sila sa finals ng University of the Philippines Fighting Maroon.

Nakapagtala ang UP ng kasaysayan nang makuha nila ang kampeonato sa UAAP men’s basketball at hiyain ang Blue Eagles sa  overtime game, 72-69, sa Game 3.

Ang kampeonato ay ang pangatlo ng Maroons mula noong  1986.

Dahil sa kampeonato, nabigo rin ng UP ang target na four-peat ng Ateneo.

Naging bayani si CJ Cansino nang maipasok nito ang isang panablang  three point na nagresulta sa 59-all sa pagtatapos ng regulation dahilan para mapalawig sa OT ang laro.

Sa overtime,  tabla sa  69 habang may natitirang 40 seconds sa laro nang maisalpak ni JD Cagulangan ang huling three points nito para sa UP.

Kumamada  ng 17 points, siyam na rebounds at tatlong steals si Malick Diouf na siyang hinirang bilang Most Valuable Player ng finals series.

Umambag naman ng 14 points si CJ Cansino at 13 points si Cagulangan.

Sa recod ng UAAP, tanging UP lamang ang tumalo sa Ateneo sa  elimination round.

Kauna-unahang titulo rin ito mo coach Goldwin Monteverde sa seniors division.RICO NAVARRO