Ateneo star Ramos handa na sa PBA

Ateneo star Ramos handa na sa PBA

December 6, 2020 @ 3:26 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi pa man nakalalaro ng kahit isang minuto sa Ateneo para sa UAAP, sinabi ni Gilas Pilipinas coach Jong Uichico na naniniwala siyang handa na sa PBA si Fil-Am guard Dwight Ramos.

“I think he’s PBA-ready kasi magagamit at magagamit siya eh,” ani Gilas Pilipinas coach. “Kung sa Gilas nga, nagagamit siya eh, what more doon sa PBA where he will really be a factor.”

Pwede umanong ikumpara si Ramos sa dating player ng San Miguel na si Danny Seigle.

Sa taas umanong 6-foot-5, maganda umano ang performance ni Ramos sa paglalaro sa wings o sa guard positions.

“He’s not very quick but he’s athletic. Ang lakas ng katawan kasi niya eh, and at the point guard, he’s not only a scoring point guard, he has great vision for a point guard which medyo nawawala na ngayon,” ani ng nine-time PBA champion.

“Ngayon medyo scoring point guard or facilitator pero siya, ibang dimension siya kasi he can create. He’s not quick, but he’s strong, he can create, he can pass the ball, and he can make the shots especially if he has a lot of great players around him,” dagdag ni Uichico.

Nagulat umano si Uichico sa ipinakitang husay ni Ramos sa Manama, Bahrain.

“Honestly, hindi ko naman siya kilala. I know na ni-recruit siya ng Ateneo but that’s all I know about him and yung mga highlight videos niya, yun lang ang kilala ko. I didn’t know how good he was. He is not very impressive in practice eh kasi team player siya eh. Doon ko lang talaga siya nakilala and nakausap,” ayon sa 58-year-old coach.

Ayon kay Ramos, siniguro niyang makukuha ang atensiyon ng lahat sa paglalaro niya sa Gilas, lalo na ng magkaroon siyang perfect performance sa field na may 20 points, seven rebounds, three assists, at three steals para sa pagdurog ng nationals sa Thailand, 93-61 sa FIBA Asia Cup qualifiers.

“That first game really surprised me that yes, he does a little bit of all: nakaka-score, depensa, ang ganda ng vision niya, so he gives you an all-around performance,” wika pa ni Uichico.Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...