Atleta mababakunahan na

Atleta mababakunahan na

April 8, 2021 @ 4:23 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng mga national athlete ng gagawing pagbili ng Philippine Olympic Committee (POC) ng coronavirus vaccines para mabakunahan sila bago sumabak sa Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam.

Sa inilabas na statement, sinabi ni POC president Abraham Tolentino na bibili sila ng vaccine bilang private entity gamit ang $40,000 subsidy ng Olympic Council of Asia.

“This is good news for Filipino athletes who will be competing in the Hanoi SEA Games,” ani Tolentino. “Once they get inoculated, they can train with very little fear of getting infected,” dagdag pa nito.

Pangungunahan ni POC first vice president Al Panlilio ang pagbili ng vaccines, ayon sa ulat.

“The POC understands how important it is to inoculate our national athletes not just for their physical well-being but psychologically as well. Getting this done at the soonest possible time will allow them to solely focus on their preparations,” ani Panlilio sa separate statement.

Ayon sa POC, magpapadala sila ng delegasyon na aabot sa 600 athletes para sa 2021 edition ng biennial meet na nakatakda sa November ngayon taon.

Para sa mga atletang sasabak umano sa 2020 Tokyo Olympics, ang kanilang vaccines ay iisponsoran ni business tycoon Enrique Razon.

Pinayagan na ng Philippine government noong Marso ang pagbili ng vaccine ng mga private firm para matapos ang problema nang pagkalat ng coronavirus. Rico Navarro


  •  
  •  
  •