Atletang sasabak sa Olympic qualifiers balik-ensayo na sa Enero – PSC

Atletang sasabak sa Olympic qualifiers balik-ensayo na sa Enero – PSC

December 6, 2020 @ 3:05 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ibinida ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na handa na ang kanyang opisina na dalhin ang Olympic hopefuls at qualifiers na nasa bansa sa gym na may bubble set-up sa Inspire Academy sa Calamba City, Laguna sa Enero para mag-ensayo at maghanda.

“The training is already set up. The negotiations with (the management) at Inspire is okay. We are just waiting for approval by the IATF,” ani Ramirez.

Tinutukoy ni Ramirez ang national government’s Inter-Agency Task Force na nakatoka sa COVID-19 pandemic at umaapruba sa pagbubukas ng lahat ng sports, kasama ang pagbabalik sa training ng national athletes na natigil simula nang mag-lockdown ang bansa noong mid-March dahil sa coronavirus.

 “We are coordinating this endeavor with the Philippine Olympic Committee since they are actually the ones in charge of this. They are our partners,” ani Ramirez. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...