Atom at Zen, umamin na sa real score?

Atom at Zen, umamin na sa real score?

October 6, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nitong nakaraang Martes, Oktubre 4, ang kaarawan ng TV Patrol news anchor na si Zen Hernandez. To her surprise, bumati sa kanya ang dating Kapamilya at ngayo’y Kapuso news anchor na si Atom Araullo. Hindi lang fans kundi kami’y masaya dahil binati ni Atom ang kanyang rumored girlfriend.

Sa pagpapakita ng sinasabing romance sa pagitan ng dalawa, ibinahagi ng broadcast journalist sa kanyang Instagram ang kanilang sweet photo na magkasama (Atom and Zen), captioned with a simple birthday message for the news anchor.

“Happy 28th birthday po,” wrote Atom.

Marami ring natutuwa sa dalawa lalo na ang kanilang kasamahan sa broadcasting at masisilayan sa comments section ang mga pagbati ng fellow newscasters like Karen Davila, Steve Dailisan, Pia Arcangel, Pinky Webb, and Nina Corpuz kung saa’y ibinahagi rin nila ang kanilang masayang reaction.

“Awwwww. Happy Birthday @zenhernandez! Cute nyo!” wrote Karen.

Happiest birthday @zenhernandez. Ayie papi!” sabi naman ni Steve, who now works at AirAsia Philippines.

Even Iza Calzado gushed over the post, leaving three red heart emojis to show her “kilig.”

Rumors romantically linking Atom and Zen resurfaced last year after they were spotted vacationing together on Balesin Island by Pinky, who shared a photo of the two on Instagram.

“It was such a nice surprise!! Siyempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na… It’s always so nice to see former officemates ‘di ba? Family is love. Kayo talaga,” wrote Pinky in her post.

Naging usap-usapan ang pagiging more-than-friends nila noong mamataang magkasama ang dalawa sa isang lunch event.

Madalas mang naiispatang magkasama sina Atom at Zen, still wala pa ring confirmation o denial na nanggagaling sa magkabilang kampo.

Ganunpaman, maraming umaasa na sila ang magkakatuluyan sa hinaharap. Ador Saluta