Atty. Liza Marcos, pinagkaguluhan sa Singapore

Atty. Liza Marcos, pinagkaguluhan sa Singapore

April 17, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinagkaguluhan ng mga Filipino sa Singapore si Atty. Liza Marcos, maybahay ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., makaraang maispatan ito sa lansangan noong Abril 4.

Sa iba’t ibang post sa social media, makikita si Atty. Liza sa Orchard Road, isang upscale shopping district, sa labas ng Wisma Atria mall, na pinalilibutan ng kababaihan na kumukuha ng wefies.

Isa sa mga Tiktok user ang nagsabing “Pinagkaguluhan Atty. Liza Araneta Marcos sa Wisma.”

Isa pa ang nag-post at sinabing “Our first lady Mrs Liza Marcos in Singapore. Ngiting walang kaplastican at pakikipag yakapan na walang bahid ng pagkukunwari. Super open arms to everybody”

Si Ginang Marcos na isang criminal lawyer at law professor, ay kadalasang wala sa limelight sa mga kampanya ng kanyang mister, subalit isang beses nagpaunlak ng panayam kasama ang isa sa kanilang mga anak na si Vincent kay Boy Abunda noong nakaraang buwan.

Ang 24- anyos na si Vincent “Vinny” Marcos, bunsong anak nina Bongbong at Liza, ay nagta-trabaho bilang software engineer sa Singapore. RNT