Atty. Topacio, may banat sa pamunuan ng MMFF 2022!

Atty. Topacio, may banat sa pamunuan ng MMFF 2022!

October 25, 2022 @ 7:24 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Gaya ng napabalita ay nakapasok nga sa Magic 8 ang pelikulang Mamasapano ng Buracho Films pwned by a newbie movie producer Atty. Ferdinand Topacio.

Sa mediacon ng pelikula ay natanong si Atty. Topacio kung ano ang kanyang take sa nakaugalian na ng mga theaters sa panahon ng MMFF na kung hindi kikita ang pelikula ay asahan nang magpi-first day, last day ito sa mga sinehan.

“First day, last day sa theater ng isang MMFF entry, isa ‘yan sa depekto mg pamunuan kasi

kapag nag-festival ka, ipatapos mo kasi pinili mo ‘yang walo na ‘yan na worthy contenders.

“Dapat, gawing rule sa theaters na ‘wag ipatigil

ang showing ng movie from December 25 hanggang January 7. Ilang araw lang naman ‘yun, e, ipatapos mo na.

“Kaya ako sunali sa festival, e, para ma criticize sila, e,” pahabol ni Atty. Topacio sa tonong pabiro.

This time ay sinabi naman ng Boracho producer na kapag festival, ang entries should be a cut above.

May ilang senador pa raw ang nagtatanong kung bakit hndi competitive ang films at napagiiwanan na ang Pinas.

“Kapag nabigyan tayo ng incentive ng pamahalaan and mag-level up ang producers, e, magle-level up tayo.

“Ang panaginip ko sa movie industry, e, kumita tayo from outside and maging competitive tayo internationally,” wish ni Atty.

Binanggit din ni Atty. Na na-pulitika pa ang Mamasapano bago ito naipasok sa Magoc 8.

Sana raw ay matanggal na ang pulitika sa movie industry na kapag may ibang kulay, kina-cancel na at ayaw nang panoorin

“Art should transcend politocs kasi kung ipipulitika, boykot kaliwa’t kanan, kamote tayo lagi, may ulalo pa.

“Piliin natin ang entries based on merits.

Sa festival, lets showcase the best.

“Kaya naman nagpapasalamat din tayo sa screening committee ng MMFF for choosing Mamasapano,” pahayag ni Topacio.

Ano ang plano ni Atty. Topacio sa movie kapag hindi ito kumita sa MMFF 2022?

“Wala namang problema maraming streamng platforms and international filmfest. Kung ang gusto niyo panoorin, e, ‘yung kulot na buhok ni Ivana, bahala kayo,” biro pa niya.

May entry din kasi si Ivana sa MMFF kasama si Vice Ganda.

Kasama sa Mamasapano movie sina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paulo Gumabao.

Malaki man ang nagastos ni Atty. Topacio sa Mamasapano ay may plano na siyang sundan ito ng pelikulang Spring in Prague. JP Ignacio