Atty. Topacio, may mensahe kay Guanzon!

Atty. Topacio, may mensahe kay Guanzon!

November 12, 2022 @ 12:09 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nag-reak ang Boracho Films producer na si Atty, Ferdinand Topacio sa pasaring sa kanya ni P3PWD Partylist Representative Rowena Guanzon na maghanda para sa pagdinig ng kasong isinampa niya sa pamosong abogado sa showbiz sa susunod na buwan.

Sa presscon ng pelikulang prinodyus ni Atty. Topacio, ang “Mamasapano, Now It Can Be Told,” ay nagkaroon kami ng chance na kunin ang reaksyon niya sa tweet ni Rep. Guanzon.

Sagot ni Atty. Topacio, “Pwede naman akong hindi pumunta doon, e. Trial lang ‘yun, e. Siya rin magiging busy din siya dahil kakasuhan ko siya. Para masaya, ‘di ba?

“Sabi niya, huwag daw akong mag-Merry Christmas sa kanya. Talagang hindi magiging merry ang Christmas niya, I assure you. Hahaha!” Julie Bonifacio