Atty. Topacio, to the rescue kay Lolit!

Atty. Topacio, to the rescue kay Lolit!

October 18, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang tabloid column (hindi sa Remate Online) na lumabas ay isinulat ni Lolit Solis na to the rescue si Atty. Ferdie Topacio sa kanya.

Ani Lolit, na-touch daw siya sa gesture ng nasabing abogado na nag-text sa kanya at nagtanong kung ano ang maitutulong nito.

Topacio is the lawyer of Deniece Cornejo sa reklamo nitong rape laban kay Vhong Navarro.

Tingin ni Lolit ay nakarating sa kaalaman ni Topacio na sasampahan siya ng kaukulang kaso ng kampo ni Bea Alonzo.

In her column, kine-claim ni Lolit na porke raw maysakit siya kung kaya’t binu-bully siya ng manager ni Bea na si Shirley Kuan.

Earlier, in an exclusive interview by PEP ay binansagang bully ni Shirley si Lolit dahil sa sunud-sunod at patuloy na pag-atake nito sa kanyang alaga.

Mismong kay Shirley na nanggaling na totoong kumunsulta ang kanyang kampo sa abogado.

Tumanggi nga lang si Bea na ipursige ang kaso laban kay Lolit dahil sa health condition nito.

Para kay Shirley ay tama lang ang pasya ng alaga na huwag nang ipursige ang demanda laban kay Lolit.

Ipinamarali naman ni Lolit ang pagiging professional at fast worker ni Topacio.

Nangako itong kokontakin ang abogado kung aabot sa demandahan ang kinasasangkutang sigalot.

Kilala ring pro bono lawyer si Topacio sa mga kliyenteng malapit sa kanya.

Bukod kay Deniece, Topacio is also the legal counsel of Claudine Barretto versus Raymart Santiago.

Isa ring movie producer si Topacio who owns Borracho Films. Ronnie Carrasco III