Aubrey, nadukutan sa Paris, tuloy pa rin ang picture taking!

Aubrey, nadukutan sa Paris, tuloy pa rin ang picture taking!

October 11, 2022 @ 10:01 AM 2 months ago


Paris, France – Masaklap ang naging karanasan ni Aubrey Miles sa kung tawagi’y City of  Lights– ang Paris, the capital of France.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aubrey ang ilang snaps kuha roon kung saan sila nagha-honeymoon ng asawang si Troy Montero.

Ikinasal sina Aubrey at Troy nitong June ng kasalukuyang taon pagkatapos ng maraming taong pagsasama.

Still on IG, obyus na pinasaringan ni Aubrey ang mga mandurukot na tumangay ng kanyang valuables.

She posted, “Nanakawan ka na ng pickpockets, pero larga! Akala ko sa movies mga astig kayo, mga BWISIT!”

Ang pagpapakuha ng mga litrato sa Paris ay paraan daw niya ng paghihiganti sa mga mandurukot doon.

Idine-dedicate nga niya ang picture taking sa mga ito.

Aniya, hindi raw porke nawalan siya ng mahahalagang bagay ay pinagsakluban na siya ng langit at lupa.

Hindi naman nag-isyu ng babala si Aubrey sa mga foreign tourists katulad niya.

At bilang pang-inis sa mga pickpockets, sinundan pa ‘yon ni Aubrey ng post na may nakalabas na dila na emoji, “Langhiya kayo!”

Marami ang nagsasabi na in-anticipate na rin daw ni Aubrey na madudukutan siya.

The mere fact daw na hindi nito dala ang kanyang passport or any travel documents only meant na nag-ingat siya that an untoward incident was bound to happen.

Ang tanong: mauulit pa kaya ang Parisian trip na ‘yon in the future? Ronnie Carrasco III