Auction sa P35.4M halaga ng asukal kasado na sa Disyembre 1 – BOC

Auction sa P35.4M halaga ng asukal kasado na sa Disyembre 1 – BOC

November 27, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasado na sa Disyembre 1 ang pagbebenta ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng public auction ang nasa 19 container ng refined white sugar na may combined floor price na P35.39 milyon.

Sa isang social media post, sinabi ng BOC na isasagawa ang pagbubukas ng sealed bids sa Building 306, BOC-Port of Subic Canal Road, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ), sa lungsod ng Olongapo sa ganap na ika-2 ng hapon sa nabanggit na petsa.

Handa na rin sa public viewing ng mga kwalipikadong bidders ng mga naturang asukal sa New Container Terminal SBFZ sa Nobyembre 28 hanggang 29.

Ang mga items na isasailalim sa auction ay ang “9X20” at “5X20” Cristalla Supreme Refined Sugar na may floor price na P16,592,800 at P9,224,600.

Dumating ang mga ito sa bansa noong nakaraang taon.

Sa abiso ng BOC, ang mga bidder ay dapat na sugar traders na nakarehistro sa Sugar Regulatory Administration at handa magbayad ng P5,050 na regisration fee.

“In the event of failed bidding, the second auction date shall be on Dec. 2, 2022 pursuant to CAO-10-2007,” dagdag ng ahensya.

Sa mga interesado, tumawag lamang sa Office of the District Collector of the Port of Subic sa numero (047)-252-3534. RNT/JGC