Audrey Avila, palaban sa hubaran at lampungan!

Audrey Avila, palaban sa hubaran at lampungan!

March 13, 2023 @ 5:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Eight months pa lang sa showbiz ang Vivamax hottie na si Audrey Avila, pero nakakarami na siya ng projects. Kabilang sa nagawa niya so far ay ang Manila Erotica, Balik-Taya, Suki, Domme, at Stalker.

Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy?

Mabilis na sagot ni Audrey, “Wala. Kahit ano’ng ibigay sa akin gagampanan ko.
Kasi eto na ‘yung pinili kong career, eh, and masaya naman ako sa ginagawa ko. So yeah, it is what it is.”

Game ba siya sa frontal nudity?

“Yes na yes! Wala tayong uurungan. Even without plaster game pa rin!” palaban na wika pa ni Audrey.

Sa first movie pa lang ng seksing-seksing talent na ito ni Jojo Veloso ay tumodo na agad ito sa hubaran.

“Manila Erotica was my first movie under Viva and talagang nagulat ako kasi pang-malakasan agad. Like threesome sa sinehan, ganoon! Ang kasama ko that time, e, sina Akira Jimenez and Zian Amande. Masaya naman, ibang klaseng experience rin,” pakli pa niya.

Nasubukan na ba niyang gumawa ng project na nag-all the way siya sa paghuhubad?

Esplika ng sexy actress, “Yes po. Sa Manila Erotica and Stalker. Iyong eksena kasi roon, super hot and wild talaga.”

Nabanggit din niya ang pinaka-challenging na role na natoka sa kanya, so far.

Aniya, “For me ‘yung pinakanagustuhan ko pong role is ‘yung trainee ako ni Ava sa movie ni direk Roman (Perez) na Domme. Kasi na-satisfied po ako sa acting ko roon and talagang nag-step up ako sa comfort zone ko when it comes to acting. Since gaya nga ng lagi kong sinasabi, ‘Di ko kayang magalit’.

“Pero roon sa movie, kasi sa role ko na parang tino-torture namin si Marco, so may part na galit talaga ako and super-happy and challenging siya at the same time, para sa akin.”

Ano naman ang pinaka-daring?

“For me yung Stalker. Although hindi na bago yung threesome since nakipag-threesome na rin ako sa first project kong Manila Erotica before, pero rito kasi, mas intense, mas wild and talagang kitang-kita ‘yung details ng scenes namin. Unlike sa Manila Erotica na medyo madilim yung lighting and maiksi lang ‘yung eksena.”

Dagdag pa ni Audrey, “Ang mga cast po ng Domme ay sina Ava Mendez, Ali Asistio, Marco Gomez, Mark Anthony Fernandez and Ada Hermosa. Palabas na po sa Vivamax.

“Iyong Stalker po, palabas na rin siya sa Vivamax. Series po siya bale, yung scene ko po roon is sa Episode 3.” Nonie Nicasio