Aurora COVID-free na

Aurora COVID-free na

January 30, 2023 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo na ng Aurora na ang probinsya ay malaya na sa COVID-19.

Ito ay makaraang gumaling na ang lahat ng mga nahawaang pasyente nito.

Sa latest update ng probinsya ng Aurora, mula Enero 26 ay wala nang aktibong kaso ng COVID-19.

Ngayong buwan naman, nakapagtala lamang sila ng anim na kaso ng sakit, isa noong Enero 5, dalawa noong Enero 10, isa noong Enero 13 at dalawa noong Enero 16, at gaya ng nasabi, gumaling na ang lahat ng mga ito.

Ang Aurora ang kauna-unahang probinsya sa Central Luzon na nagdeklara na COVID-19 free na ngayong taon. RNT/JGC