Aurora, iba pang lugar uulanin sa amihan

Aurora, iba pang lugar uulanin sa amihan

December 16, 2022 @ 6:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon ang northeast monsoon o amihan ngayong Biyernes, Disyembre 16.

Ito ang iniulat ng PAGASA kung saan ang Cagayan Valley, Aurora at hilagang bahagi ng Quezon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan dahil sa nasabing weather system.

Ang Ilocos Region at Cordillera Administrative Region ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dulot din ng amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap na may isolated rainshowers at thunderstorm dulot naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorms. RNT/JGC