Aurora Ignacio, bagong pinuno ng SSS

Aurora Ignacio, bagong pinuno ng SSS

April 1, 2019 @ 10:57 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Aurora Cruz Ignacio bilang bagong pinuno ng Social Security System.

Si Ignacio ang kauna-unahang babaeng uupo sa pwesto.

Base sa appointment paper na inilabas ng Malakanyang, papalitan ni Ignacio si Emmanuel Dooc bilang presidente at chief executive officer ng SSS.

Si Ignacio nagtapos sa Centro Escolar University sa kursong Bachelor of Science, major in Commerce, Banking and Finance.

Magugunita na noong Marso, kusang bumaba sa pwesto si Dooc dahil expired na aniya ng kaniyang termino bilang pinuno ng SSS.

READ: SSS chief, kusang nagbitiw sa puwesto

Aniya, ang kanyang appointment ay nakabase pa sa lumang Social Security law at ito ay nagtapos na.

Nais din niyang  bigyang laya ang Pangulo na makapamili ng susunod na pinuno ng SSS.

“In view of the effectivity of the SS Act of 2018, I wrote a letter to the President, I said that I am voluntarily and irrevocably stepping down from my position as president and chief executive officer of SSS as well as being the vice chair of the SS Commission effective immediately,” ayon kay Dooc./Remate News Team