Aussie team umatras sa Olympic qualifiers



Aussie team umatras sa Olympic qualifiers

June 10, 2021 @ 8:55 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tuluyan nang umatras ang baseball team ng Australia sa paglahok sa Olympic qualifiers na sisipa sa Mexico.

Ayon kay Baseball Australia chief executive Glenn Williams na mataas pa rin ang banta ng COVID-19 kaya nagdesisyon silang umatras muna sa qualifying competitions.

“May mga option at scenario na kaming pinag-aralan, pero  ayaw naming itaya sa panganib ang kalusugan ng mga manlalaro,” ani Williams.

Unang nakatakda sa Taiwan ang nasabing palaro pero inilipat ito sa Mexico dahil sa ipinapatupad ng gobyerno ng Taiwan na paglimita sa mga bisita mula sa ibang bansa. Rico Navarro


  •  
  •  
  •