Austin nangako ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

Austin nangako ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Davao

February 2, 2023 @ 3:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment o pangako mula kay United States Secretary of Defense Lloyd Austin na magbibigay ng humanitarian assistance sa mga biktima ng malakas na lindol na yumanig sa bayan ng Davao de Oro, Miyerkules ng gabi, Pebrero 1.

“And let me begin by saying that we are very sorry to learn yesterday that there was an earthquake down in Mindanao,” ang sinabi ni Austin kay Pangulong Marcos sa kanilang naging pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang.

“And I’m relieved to hear from my team that the damage was not significant, at least, that’s what we understand thus far, and of course, we have not heard of significant injuries being reported as well, but we know how these things develop,” ani Austin.

Nag-courtesy call si Austin kay Pangulong Marcos, araw ng Huwebes, Pebrero 2, sa President’s Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

“We stand ready to help in any way that we can. And again I think our AID (Agency for International Development) personnel are in the area, and they stand ready to help to provide humanitarian assistance when and where possible. So please don’t hesitate to reach out if there’s a need,” ang sinabi ni Austin kay Pangulong Marcos.

Sa ulat, niyanig ng magnitude 6.0 lindol ang Davao de Oro at mga kalapit na lugar nitong Miyerkules ng gabi batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay naganap dakong alas-6:44 ng gabi at naitala sa 12 kilometers northeast ng New Bataan, Davao de Oro.

Naramdaman ito sa Intensity V sa New Bataan, Davao de Oro at Intensity IV sa Davao City at Bislig City, Surigao del Sur.

Nasa Intensity III naman ang naramdaman sa Davao City; Damulog, Kadingilan, Kalilangan, Libona, Pangantucan, at Talakag, Bukidnon; City of Cagayan De Oro; at Cagwait at Hinatuan, Surigao del Sur.

Hindi na umano ito masyadong naramdaman sa Intensity II sa President Roxas, Capiz; San Francisco, Southern Leyte; City of El Salvador, at Villanueva, Misamis Oriental; Aleosan, Antipas, Arakan, Carmen, Kabacan, City of Kidapawan, Libungan, M’lang, Magpet, Makilala, Matalam, Pikit, at Tulunan, Cotabato; City of Koronadal, South Cotabato; Kalamansig, Sultan Kudarat; at City of Cotabato.

Ayon pa sa Phivolcs, ang naganap na lindol ay tectonic in origin na nangangahulugang idinulot ito ng paggalaw ng isang aktibong fault sa lugar.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa publiko na maging alerto dahil sa mga aftershocks na puwedeng idulot ng lindol. Kris Jose